"Alam mo ba ang ibig-sabihin ng "Conjure"? Isa ka bang Capital S? Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig ay isa lang ang magiging maligaya. Kasama ka ba sa quota?"
photo courtesy of John Anthony Wong |
Ito ang kauna-unahang nobela ni Ricky Lee, ngunit hindi na siya baguhan sa larangan ng pagsulat. Isa siyang dakilang scriptwriter na naghatid sa atin ng magagandang istorya para sa Pinoy cinema at TV shows.
Itong una niyang nobela ay nakakaaliw. Ang kanyang napiling paksa ay LOVE, pero ang karaniwan niyang sinusulat ay tungkol sa pulitika at lipunan. Nanaisin kong isapelikula nila itong nobelang ito, subalit kapansin-pansin ang pagkakahalintulad nito sa mangilan-ngilang pelikulang banyaga kagaya ng LOVE ACTUALLY, STRANGER THAN FICTION (sabi ni botchok) at SECRET WINDOW.
Ang nobelang ito ay tungkol sa limang babaeng may iba't ibang karanasan sa larangan ng LOVE. Ang isa'y may childhood crush, meron din namang incest, tibo / bading love, love sa isang lugar na walang love at cliche love. Ngunit ang limang istoryang ito ay umiikot sa utak ng isang manunulat na hindi alam kung paano tatapusin ang istorya, sapagkat siya ay bitter at tuliro din sa pagmamahal at ang kanyang mga tauhan ay nagrereklamo sa mga istoryang ginawa niya para sa kanila.
Nakakaaliw din ang lengwahe na ginamit ni Ricky Lee. Angkop na angkop sa modernong panahon at may pagka bastos. Hehe.
No comments:
Post a Comment